Naglalagas ang dahon
pumapatak ang luha
kasama na naaalala
ang kahapong nawawala
Larawan mong tinitingnan
kumukupas na liham
kasama na naaalala
mga panahong nagdaan
Hawak ang pinsel
at may ipipinta
kasama na naaalala
mukha mong maganda
Pagtipa ng gitara
kasabay ang awitin
kasama na naaalala
puso na maramdamin
Sa lahat ng bagay
na aking ginagawa
kasama na naaalala
ang isang nawawala
Abril 20, 1981
Tuesday, April 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment