Tuesday, April 14, 2009

Unang araw pagkatapos ng digmaan 1991

Parang nakikita ko ang Farwaniyah...

Wala nga lang ang terasa pero ganito rin ang kinalalagyan ko nuon, nakaharap sa kanluran. Sa kaliwa naroon ang gusali nila George at sa gawi pa roon ay ang bahay nila Mannie. Kay lungkot kapag ganitong wala na ang mga kaibigang dati rati ay nadadalaw at nakakahuntahan sa sandali ng paghahanap sa sariling bayan, hay!

Narito na naman ako sa Kuwait! Tapos na ang digmaan at bumabangon na ang mga kalansay, naglalaman na naman ang mga butong hinimaymay ng walang kabuluhang paghahangad. At ako sa pakiwari ay dating laman na napaiba ang lagay sa bagong pagtubo, kahalintulad din ng karamihan ng naririto ngayon. Panibagong simula sa isang kapaligirang pamilyar pero parang hindi rin.

Nuon sa Farwaniyah ngayon ay sa Reggai at nag iisa ako, nakakalungkot talaga! Sana ay maisipan nilang magsibalik din ulit, tulad nuon...sana.

No comments:

Post a Comment