Tuesday, April 14, 2009

Farwaniya - Huwebes ng gabi 1991

"Naguumpisa pa lang ang tag araw subalit parang malakas yata ang ihip ng hangin, ha haha!"Si Boyong, nambubuska dahil nagyayabang si Joey, mainit na mainit kasi ang balitaktakan ni pareng Jet at Junboy, politika as usual, hindi ng Pilipinas kundi ng samahan ng mga Pilipino. "Kanya kanya ang bawat isa,"si Jet...ät ang motibo ay pang sarili lamang.""Hindi naman siguro lahat, tulad na lang nating mga mapaglikha na ang hangarin ay maiangat ang kaalaman at pag galang sa ating mga Pilipino sa industriyang ginagalawan natin, na maaring maghantong sa pagkilala na rin ng kakanyahan ng iba pang Pilipino na nangingibang bansa, hindi maka sarili yan di ba?"mahabang paliwanag ni Junboy. Pero paghiwalay pa rin yan dahil sinasarili ng grupo natin ang pagpapa angat ng ating samahan"mariing susog ni Albert Malcampo. " Maaring pagsasarili at paghiwalay nga yan, pero isang paraan din ng pag tungo sa isang adhikain at tulad na ng nakagisnan ng ating lahi kapag nagtagumpay ang isa ay mahihikayat at magsasalihan na ang mga iba na nagsisiguro lang muna, at sa paglipas ng mga araw ay ni hindi na maaalala na iisang grupo lang ang nagsimula, lahat ay aako ng grasya at para na ring nagkaisa isa. O di ba positibo na rin kahit papaano ang kinahinatnan ng nasimulan ng pagsasarili at paghiwalay dahil sa huli ay nagkaisa isa rin."Napakahabang litanya ng kaibigan kong Rod Manalo. "Well, pa ingles na bungad"ni Joey, "siguro nga ay kailangang humiwalay muna para maitama ang mga panukala at pag ayos na ay tulad ng nasabi nga ni Rod, sasama na ang iba at patatangay sa agos ng mga biyaya."

"Makabuluhan, toss! Tagay! Folk songs pa Charly."Sigaw at tapik sa akin ng pareng Boyong ko. Masarap at makabuluhan ang mga gabi ng pagtatapos ng isang linggong trabaho, salamat sa gawang bahay na Sadike, courtesy ni Mr. Albert M. Naiaalis ang pagka bugnot, napagsasama-sama ang tropa(mga artist ng iba't ibang ahensiya).

Kinusot kusot ko ang aking mga mata na nanlalabo yata sa tama ng Sadike. Hinde ah! nanlalabo ang mata ko sa muta, kagigising ko lang pala at ang tagayan at balitaktakan ng tropa pati na ang mga tipa ko sa gitara at mga awitin ay isa lang palang panaginip. Kahapon lang nga pala ako dumating, katatapos lang ng digmaang Iraq, Kuwait at ng kung sino sino pang nagsi sali rito. Ang panaginip ko, parang kailan lamang yun ah, mahigit isang taon na pala ng aktuwal na nangyari ang pagsasalo ng tropa, wala pang digmaan nun at ngayon eto na naman ako, sa Kuwait...1991. Hanggang kailan kaya ako rito?

No comments:

Post a Comment